Mga Kwentong Puso..
posted(3/13/07)
share ko lang ung isang email na nareceive ko..
ANG MGA BABAE TALAGA OO
by redrope
*grabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-
iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi
ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero
lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo
tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang
ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko,
alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na
gumawa ng first move para magtapat ng
pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at
pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang
alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e
mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang,
lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano
pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa
kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?
Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila.
Susuyuin to-the-max.Maghahat id sa bahay, tutulungan,
sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na
lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.
At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila.
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang
mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila
tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit
umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat
bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal
na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot
ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad
trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi.
"Hindi pa 'ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be friends..",
"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."
"Better luck next time na lang muna, okay lang?",
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",
"Para lang kitang kapatid e..",
yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at
lupa 'yon para saten.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang
yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.
Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang
hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung
may gulo; tayo ang dapat magpapakabait;
tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging
devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun.
Sila ang magsasabi kung anong oras
kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng
mga mushy at kabalbalang texts; sila
ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila
ang magbabawal; sila ang magsasabi
kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan
ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung
kelan sila di dapat bad tripin dahil meron
sila, at kung kelan ka korni.
Ewan. Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag
maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten.
Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol,
feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa
kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At
kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas
mature. Hindi yung parang pambata lang gaya
nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-
inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi
lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba
tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either
sawa na sila,
hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time
muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang
masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang
imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na
playboy.
Na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga
antagonist at sila yung mga bidang
inaapi at parang mga pusang iiyak-
iyak.
Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos
tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi
tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa
lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali,
mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di
na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang
naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok
ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
ANG MGA LALAKE TALAGA, OO
(tugon kay redrope)
by xristel
Ano ba itong si redrope?
Kaming mga babae na naman ang nakita.
Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi
maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang
mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami
naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging
lugi, kami ang lagging nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng
konti pagkakamalan ka nang malandi.
Hindi pangseryosohang relasyon.
Marinig lang nila na malakas kang mags
alita, palengkera ka na. T.O. kagad
sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa
mga babaeng sexy manamit, kulang nalang
makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng
seryosohin at gustong ligawan
dapat disente, dapat mala-anghel ang
mukha, dapat mukhang
inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig
mamili?
Parang baliktad yata?
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para
suyuin ka,para habulin ka pa lalo.
Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get"
naman ang tingin sa iyo.
Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila
kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na
magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo
na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na
ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang
kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito
kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag
nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na
sa tabi-ta bi. < /P>
"Tawagan nalang kita pag trip
ko o kaya'y pag may gusto
akong ipagawa sa iyo."
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin
yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat
masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan
malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw
daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman
ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo
"demanding" ka.
Meron ka pang maririnig na
"I think we need space"
at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat
kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami
ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot,
pakawala, makikay at kung anu-
ano pang mga bansag
ang itatawag sa amin
Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho
kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa.
Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa
bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang
ibang magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin.
Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon.
Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita s
a amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso
rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad.
Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19
year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat
ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang
pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati
yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw.
Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano
tingin niyo sa amin mga artista?!
Alam niyo iyon?
Yun bang kulang nalang ay
lumuha ka na ng dugo, pero
hindi ka pa rin papansinin.
Sasabihan ka pang tigilan na
ang pagdradrama.
Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit
naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas
iba kaming magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan
blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang
nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita
nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang
nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang
babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng
konti balikan blues na iyan.
Kapag ang lalake ang
umayaw, pucha, bahala ka
diyan. Kahit mag-tambling
ka pa sa harap niya. Wa-
epek. Umiyak ka ng
bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk.
Tapos sila pa raw ang
kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin
ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.
Naaalala ka lang kapag may
kailangan sa iyo.
Kapag pumangit ka after the break
up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa
buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya.
Sala sa init sala sa lamig talaga
.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano.
Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.
LOVE knows no reasons, love knows no lies, love
defies all reasons, love has no eyes. But love is not blind --
LOVE sees, but it doesn't mind. --